^

Police Metro

Tandem namaril: 2 patay, babae grabe

Omar Padilla - Pang-masa
Tandem namaril: 2 patay, babae grabe
Stock image of a gun.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Tinutugis ng pulisya ang armadong riding-in-tandem na walang habas na namaril na ikinasawi ng dalawa katao kabilang ang isang senior citizen at ikinasugat ng isang babae habang ang mga biktima ay maagang nagkukuwentuhan sa Purok 6, Brgy. Isidro, San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Sa ulat ng San Jose del Monte City Police, kinilala ang dalawang nasawi na sina Benedictoe Castulo, 63-anyos at Joel Nicolas, 46; kapwa residente ng Purok 6 ng nasabing barangay habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital ang isa pang biktima na si Charry Fe Castulo, 57-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:50 ng umaga, habang nagkukuwentuhan ang mga biktima nang dumating ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng kalibre 45 baril.

Dead-on-the-spot ang dalawang biktima habang agad na isinugod sa pagamutan ang sugatang si Charry na kaanak ng isa sa nasawi.

Pagkatapos ng pamamaril, mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng ‘di pa matukoy na motorsiklo papunta sa direksyon ng Barangay Paradise sa nasabing siyudad.

Tandem namaril: 2 patay, babae grabe

Omar Padilla

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with