^

Police Metro

Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, tumaas noong Abril - PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy na tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o kabuhayan sa ikalawang sunod na buwan noong Abril.

Ang pagtataya ay ayon sa resulta ng pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang bilang ng mga walang trabaho na nasa edad 15 pataas ay umakyat sa 2.06 milyon noong Abril mula sa 2 milyon noong Marso.

Ayon kay Mapa, ang pagdami ng jobless Pinoy ay epekto ng El Niño phenomenon kung saan tinamaan ng husto ang sektor ng Agrikultura.

Samantala, mas mababa ang bilang ng mga walang trabaho nitong Abril 2024 kumpara noong 2023 na may 2.26 milyon.

Anya, bumaba rin ang bilang ng employed individuals noong Abril nang makapagtala ng 48.36 milyong employed kumpara sa 49.15 milyong employed  na naitala noong Marso.

Tumaas naman ang bilang ng underemployed o ang mga naghahanap ng dagdag na trabaho. Mula sa 5.39 milyon na naitala noong Marso, tumaas ito sa 7.04 milyon noong Abril.

TRABAHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with