^

Police Metro

Policewoman tepok sa salpok ng AUV

Victor Martin, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Policewoman tepok sa salpok ng AUV
Kinilala ang nasawi na si Patrolwoman Agnes Guiquing, 27, nakatalaga sa San Guillermo Police Station at residente ng Penablanca, Cagayan habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng SUV na si Arvin Talosig ng Cauayan City, Isabela.
Graphics by John Villamayor

MANILA, Philippines — Isang pulis ang namatay nang banggain ng SUV ang kanyang sinasakyang kotse sa Bypass Road, San Mateo, Tumauini, Isabela, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Patrolwoman Agnes Guiquing, 27, nakatalaga sa San Guillermo Police Station at residente ng Penablanca, Cagayan habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng SUV na si Arvin Talosig ng Cauayan City, Isabela.

Ayon kay Tumauini Police Station Maj. Melchor Aggabao Jr., binabagtas ng biktima sakay ng kanyang kotse ang bypas road patu­ngong hilagang direksyon habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang SUV.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, umagaw umano ng linya ang SUV dahilan upang magsalpukan ang dalawang sasakyan at magpaikut-ikot ang SUV habang hindi naman gaanong tumilapon ang kotse, subalit naipit ang tsuper nito sa loob ng sasakyan.

Nagtamo ng malubhang injury si Guiqing na dinala pa sa pagamutan,subalit idineklarang dead on arrival ng kaniyang atten­ding physician habang minor injury lamang ang natamo ni Talosig.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide si Talosig.  

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with