^

Police Metro

SK kagawad tigok sa pananaksak

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 22-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) kagawad sa Pangasinan na natagpuang may saksak sa bakanteng lote sa Barangay Ligue, Bayambang.

Kinilala ang biktima na si Carlos Miguel Ablao, SK kagawad sa Barangay San Pedro Afartado sa bayan ng Alcala.

Umaga noong Mayo 28 nang makita si Ablao na duguan at may saksak sa katawan sa bakanteng lote sa nasabing barangay at dinala sa ospital pero kinalaunan ay pumanaw din.

Ayon sa pamilya ng biktima, nagpaalam si Ablao na may dadaluhang birthday party noong gabi ng May 27 sa Alcala.

Pero nagpaalam daw ito sa mga kaibigan na aalis sakay ng motorsiklo hanggang sa makita ang kaniyang duguang katawan sa Bayambang, bagay na palaisipan sa kaniyang mga kaanak kung bakit siya napunta sa nasabing bayan.

vuukle comment

SANGGUNIANG KABATAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with