^

Police Metro

Kasunduan na ibaba ang taripa ng bigas tinupad ng DOF

Joy Cantos - Pang-masa
Kasunduan na ibaba ang taripa ng bigas tinupad ng DOF
A vendor arranges rice for sale at a market in Paco, Manila on March 13, 2024.
STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Ipinaabot ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pasasalamat kay Finance Sec. Ralph Recto sa pagtupad nito sa kasunduan na ibaba ang ipinapataw na taripa sa bigas upang bumaba na ang presyo nito ng mas mababa pa sa P50 kada kilo.

Pinuri ni  Romualdez si Recto sa pagsulong ng nauna nang kasunduan ng mga lider ng Kamara at kalihim ng Department of Finance at ng Department of Agriculture.

Layunin ng pagbabawas sa taripa ay upang matugunan ang mataas na presyo ng bigas na dulot ng mapagsamantalang trader, epekto ng El Niño, at mataas na halaga ng pandaigdigang gastos.

Noong nakaraang linggo ay nagpulong sina Speaker Romualdez at Recto, kasama sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., Customs Commissioner Bienvenido Rubio, at House Appropriations Committee Chair Zaldy Co ng Ako Bicol Party­list para bumuo ng mga praktikal na solusyon para agad na maibsan ang mataas na presyo ng bilihin kasabay ng pagtiyak na kumikita ng tama ang mga lokal na magsasaka.

Isa sa mga napagkasunduan ay ang pansamantalang pagpapababa ng taripa ng bigas upang bumaba rin ang gastos ng mga trader.

Sa paraang ito, mas magiging abot kaya ang bigas ng hindi naman dehado ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa kabila naman aniya ng bawas sa taripa, sini­guro ni Speaker Romualdez na patuloy na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), ang pondo na mula sa buwis na sinisi­ngil salig sa Republic Act 11203 (Rice Tariffication Law).

FERDINAND MARTIN G. ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with