^

Police Metro

Makati road rage: 1 patay

Ludy Bermudo - Pang-masa

Binaril ng nakaalitan sa trapiko...

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang driver ng SUV nang barilin ng nakaalitan sa trapiko, kahapon ng hapon sa Makati City.

Sa sketchy report mula kay P/Major Anthony Bagsik, commander ng Ayala Sub-station, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente ng pamamaril malapit sa Ayala southbound tunnel, Barangay Urdaneta, Makati City.

Inilarawan ang nasa­wing biktima sa edad na 45-50 anyos, driver ng itim na Toyota Innova na may plakang  NCV- 5421.Hindi pa tukoy ang kalibre ng baril na ginamit sa krimen ng gunman na nagmamaneho umano ng Sedan.

Batay sa nakasaksi, ang biktima at suspek ay kapwa bumabagtas sa Kalayaan Flyover southbound patungo ng EDSA southbound ng Brgy. Urdaneta nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kalsada hanggang sa kumuha ng baril ang suspek at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang una.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente kabilang ang pagtukoy sa plaka ng sasakyan ng suspek upang matunton at maaresto.

Naging dahilan naman ang insidente ng pansamantalang pagsasara ng Ayala tunnel na nagdulot ng napakabigat na trapiko.

vuukle comment

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with