^

Police Metro

Outstanding Filipino Physician iginawad kay Quezon Governor Tan

Pang-masa
Outstanding Filipino Physician iginawad kay Quezon Governor Tan
Quezon Governor Doktora Helen Tan
STAR/File

MANILA, Philippines — Iginawad kay Quezon Governor Doktora Helen Tan bilang Outstanding Filipino Physician sa 33rd Jose P. Rizal Memorial Award-Philippine Medical Association.

Ang pagkilala ay ginanap sa SMX Convention Center, Clark Pampanga nitong Sabado, Mayo 18 kung saan nagsilbing board of judges sina doctors Kenneth G. Ronquillo bilang chairman; Eleanor B. Almoro, at Israel Francis Pargas bilang mga miyembro.

Ang tumanggap ng 33rd Dr. Jose P. Rizal Memorial Award for Government Service category ay mga doktor na nagtataglay ng kakayahan na magserbisyo at magbigay ng commitment sa kanyang komunidad at bansa.

Katulad ng legasiya ni Dr. Jose Rizal na hindi lamang na magaling na doktor kundi kilala rin sa magkakaibang larangan, nagpakita rin si Governor Tan sa loob ng mahabang panahon ng natatanging serbisyo at dedikasyon, innovation at malasakit.

Ang kontribusyon din ng gobernadora ay ang pagbibigay ng malawak na serbisyo sa medisina para magkaroon ng access sa kalusugan ang lahat at bilang public servant, ginamit niya ang kanyang nalalaman sa kalusugan at kondisyon ng tao para magkaroon ng impact hindi lang sa iisang indibidwal na pasyente kundi sa buong lipunan. Dahil sa pagsisikap ni Gov. Tan, ang kanyang organisasyon ay tumayo para magkaroon ng progreso at innovation sa healthcare, nagsilibing pioneer at model ng Universal Health Care.

SMX CONVENTION CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with