23 Pinoy na sakay ng barkong inatake ng Houthi rebel group, ligtas
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas at walang nasaktan sa 23 Pinoy crewmen na sakay ng barko na inatake ng Houthi rebel group nitong Sabado,
Sinabi ng DMW na bahagyang nasira ang barko sa pag-atake ngunit nagpapatuloy sa paglalakbay nito.
Sa ulat naman ng Reuters, naglunsad ang Houthis ng isang solong anti-ship missile sa M/T Wind – isang tanker ng langis na may flag ng Panama at pag-aari ng Greek. Nagresulta ito sa pagbaha na nagpatumba sa propulsion at steering ng barko.
Ayon naman sa security firm na Ambrey na nangyari ang pag-atake mga 10 nautical miles sa timog-kanluran ng Red Sea port city ng Mokha ng Yemen.
- Latest