40 lugar sa bansa, makararanas pa rin ng mapanganib na lebel ng heat index
MANILA, Philippines — Iniulat ng PAGASA na nasa ilalim pa rin ng mapanganib na heat index ang 40 lugar sa bansa.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, pumalo sa hanggang 46°C ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan; Pili, Camarines Sur, at Butuan, Agusan del Norte kahapon.
Ito ang maaaring maging pinakamataas na heat index na maitala sa araw na ito na pasok sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa init ng araw ang isang indibidwal.
Sa Metro Manila, nasa 41°C ang naitalang heat index sa Quezon City habang 42°C naman sa Pasay City.
Una nang sinabi ng PAGASA na bagama’t humihina na ang El Niño Phenomenon ay posibleng umiral pa rin ang epekto nito kabilang ang mainit at maalinsangang panahon kaya’t dapat pa ring mag-ingat ang mamamayan lalo na kung lalabas ng tahanan.
- Latest