1 pang akusado sa Vhong Navarro case, sumuko sa NBI
MANILA, Philippines — Isa pang akusado sa kasong illegal detention sa TV host at actor na si Vhong Navarro ang sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sumuko sa kanilang tanggapan sa Quezon City ang akusadong si Ferdinand Guerrero kasama ng kanyang abogado.
Sumuko si Gurrerro ilang araw matapos hatulan ng guilty ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 ang mga akusado.
Kabilang sa mga nahatulan ng kaso ay ang negosyanteng si Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz na nahatulan ng korte ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakabilanggo.
- Latest