11-anyos anak todas, 1 sugatan sa saksak ng amang adik
MANILA, Philippines — Isang 11-anyos na batang lalaki ang nasawi habang nasugatan ang 14-anyos nitong ate nang pagsasaksakin ng kanilang drug adik na ama sa loob ng kanilang bahay sa Parang, Maguindanao del Norte nitong Linggo.
Sa ulat ni Lt. Col. Christopher Cabugwang, hepe ng Parang Municipal Police Station, kay Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, naaresto na ang ama ng mga biktima na si Adjis Sanday Ayob, 35.
Ayon sa mga kamag-anak at mga kapitbahay sa Barangay Magsaysay na lulong sa alak at shabu si Ayob na ang misis ay isang overseas worker.
Sa presinto ay inamin ni Ayob ang ginawang paulit-ulit na pagsaksak sa dalawang anak na agad ikinasawi ni Asrap habang malubhang nasugatan si Bai.
- Latest