^

Police Metro

Mga namatay sa Davao de Oro landslide hindi kinakalimutan ng Kongreso

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Hindi kinakalimutan ng Kongreso ang Davao de Oro landslide kung saan 98 ang namatay noong Marso”.

Ito ang siniguro ni ACT-CIS at House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo na pinamamadali na ni Speaker Martin Romualdez ang imbestigasyon sa landslide sa Maco, Davao de Oro ns maraming buhay ang nawala.

“98 ang namatay doon at maaaring naiwasan kung sinunod lang ang babala ng Mines and Geosciences Bureau,” anang mambabatas.

Idineklarang ‘no build zone’ ang ilang bahagi ng nasabing bayan dahil nga sa madalas ang landslide sa lugar.

Ayon pa kay Cong. Tulfo, “gusto natin malaman kung sino ang nagpahintulot na magtayo ng kabahayan sa lugar na yung gayong ipinagbabawal na mga ito ng pamahalaan.”

“Ayaw na nating maulit pa ang ganitong mga pangyayari kasi may babala na nga pero tila hindi naman sinunod,” dagdag pa ni Cong. Tulfo.

Sa araw ng Martes ay muling diringgin ng Committee on Natural Disaster ang nasabing kaso.

DAVAO DE ORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with