^

Police Metro

Libong ‘claimants’ ng tig-P1 milyong, sumugod sa BSP

Mer Layson - Pang-masa
Libong âclaimantsâ ng tig-P1 milyong, sumugod sa BSP
Nakabantay ang mga pulis sa higit 1,000 claimants na sumugod kahapon sa tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Maynila para kubrahin ang tig-P1 milyong umano’y share nila sa nag-matured na account na “Kayamanan ng Pilipinas” na ipinangako sa kanila noong 1987.
Edd Gumban

Sa ipinangakong ‘Kayamanan sa Pilipinas’

MANILA, Philippines — Agad umalerto ang Manila Police District (MPD) nang biglang sumugod ang mahigit 1,000 indibiduwal sa tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Malate, Manila kahapon ng umaga upang kolektahin ang kanilang tig-P1 milyon mula sa umano’y nag-matured nang account na “Kayamanan ng Pilipinas” na ipinangako sa kanila noon pang 1987.

Ang mga naturang indibidwal ay dumating sa Gate 3 ng BSP sa Mabini St. kanto ng P. Ocampo St. sa Malate dakong alas-8:40 ng umaga at pumila sa pag-aakalang mayroon silang maki-claim na pera. Nagmula pa umano sila sa Regions 1, 2 at 4A at nangutang lang ng pamasahe upang makarating sa BSP dahil sa pag-asang mailalabas na kahapon ang trilyun-trilyong halaga ng pera na nakatago sa BSP para ipamahagi sa taumbayan.

Demand pa ng grupo sa BSP na ilabas na nila ang “Kayamanan ng Pilipinas.”

Ipinaliwanag ni Nobel Gilbert Langres, tagapagsa­lita ng grupo na ang naturang pera na kanilang kinukuha ay ipinatago sa BSP noon pang 1987.

Ayon kay Langres, nag-matured na umano ang mga account na inisyu sa isang ‘Danilo’ noong 2005 kaya nararapat na ibalik na ito sa taumbayan. Alinsunod aniya sa Konstitusyon, may karapatan ang mga mamamayan sa naturang pera.

Matapos pakiusapan ng mga kinatawan ng BSP at MPD na magsiuwi na lamang, kusang nag-disperse ang mga claimants alas-2:00 ng hapon nang pangakuan ng mga pulis na ipaaabot sa BSP ang dala nilang liham.

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with