Sumuko ka na Quiboloy! – NBI
MANILA, Philippines — Matapos mabigo ang mga otoridad na makita si Pastor Apollo Quiboloy sa ginawang manhunt operations kahapon sa ilang ari-arian nito sa Davao ay nanawagan ang National Bureau of Investigation-Davao na sumuko na ito.
Nabatid na tinungo ng NBI-Central Mindanao Regional Office ang Prayer Mountain at Glory Mountain ni Quiboloy sa Tamayong, Calingan, Davao ay hindi ito natagpuan.
Ayon sa NBI-Central Mindanao Regional Office (CEMRO), ang kanilang pagsalakay sa mga posibleng ‘hideout’ ni Quiboloy ay bunsod ng mga impormasyon na labas-pasok ang mga sasakyan sa lugar.
Bagama’t hindi nadatnan si Quiboloy sa lugar, tinanggap naman ng kanyang abogado na si Kathleen Kaye Laurente ang arrest warrant laban sa Pastor.
Sinabi naman ni NBI Region 11 director Arcelito Alba, patuloy nilang hahanapin si Quiboloy na nahaharap sa tatlong kaso ng sexual and child abuse sa Davao Regional Trial Court at qualified human trafficking charges sa Pasay Regional Trial Court.
- Latest