^

Police Metro

Alvarez humingi ng paumanhin sa panawagang iatras ang suporta kay Pangulong Marcos

Joy Cantos - Pang-masa
Alvarez humingi ng paumanhin sa panawagang iatras ang suporta kay Pangulong Marcos
Nais ni Romualdo na kasuhan ng Department of Justice (DoJ) ng sedisyon si Alvarez at sinabi naman ni Dimaporo na hindi mala­yong maharap sa ­ethics complaint ang dating Speaker.
Pantaleon Alvarez / Released, File

MANILA, Philippines — Napuwersang hu­mingi ng paumanhin si dating Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang walang basehan at may pagka-sedisyong panawagan sa militar at pulisya na iatras ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

“Pasensya na nadala rin ng bugso ng damdamin,” ani Alvarez sa isang pahayag sa isang prayer rally sa Tagum City.

Binanatan din si Alvarez ng mga kasamahang kongresista, kabilang ang Mindanaoans na sina Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo, Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo, House Majo­rity Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Nais ni Romualdo na kasuhan ng Department of Justice (DoJ) ng sedisyon si Alvarez at sinabi naman ni Dimaporo na hindi mala­yong maharap sa ­ethics complaint ang dating Speaker. Ibinasura rin ng pamunuan ng Armed For­ces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang panawagan ni Alvarez kasabay ng paggiit ng kanilang suporta kay Pangulong Marcos.

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with