Dapat VAT exempt ang pagbili at pagbenta ng natural gas - DOE
MANILA, Philippines — Dapat ay VAT exempted sa pagbili at pagbebenta ng indigenous natural gas gayundin din sa enerhiya gamit ang Indigenous Natural Gas.
Ito ang itinutulak ng Department of Energy (DOE) sa pagpupulong ng Senate Committee on Energy Technical Working Group kaugnay sa Senate Bill 2247.
Sinabi ni Energy Undersecretary Sharon Garin na bahagi ito ng fiscal incentives sa ilalim ng ipinapanukalang batas para sa pagpapalakas ng natural gas industry sa bansa.
Layunin ng Senate Bill No. 2247 na inihain ni Senador Raffy Tulfo na makabuo ng komprehensibo at integrated legislative policy para sa mabilis na pag-unlad ng sektor ng natural gas sa Pilipinas.
Nanawagan si Garin sa Department of Finance na paboran ang fiscal incentives para sa natural gas investors dahil nararapat lamang aniyang bigyan ng insentibo ng gobyerno ang key players ng natural gas upang matiyak ang pagpapalakas ng commercial transaction at lumaki pa ang investment sa indigenous natural gas industry sa bansa.
- Latest