^

Police Metro

Ban sa e-bike, e-trike na dumaan sa national road sa Metro Manila, simula ngayong araw

Mer Layson - Pang-masa
Ban sa e-bike, e-trike na dumaan sa national road sa Metro Manila, simula ngayong araw
E-bikes, e-trikes, tricycles and pedicabs are seen passing by along Recto Avenue in Manila on April 13, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Kasado na ngayong araw ang pagbabawal sa e-trike at e-bike sa pagdaan sa mga national road sa National Capital Region (NCR).

Ito’y alinsunod sa ipinasang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) sa pamamagitan ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA), noong Pebrero.

Nabatid na kabilang sa mga lansangan na hindi maaaring daanan ng mga light e-vehicles ay ang R1: Roxas Boulevard; R2: Taft Avenue; R3: SLEX; R4: Shaw Boulevard; R5: Ortigas Avenue; R6: Magsaysay Blvd/Aurora Blvd.; R7: Quezon Ave./ Commonwealth Ave.; R8: A. Bonifacio Avenue; R9: Rizal Ave­nue; R10: Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway; C1: Recto Ave­nue; C2: Pres. Quirino Avenue; C3: Ara­neta Ave­nue; C4: Epifanio Delos Santos Avenue; C5: Katipunan/C.P. Garcia; C6: Southeast Metro Manila Expressway; Elliptical Road; Mindanao Ave­nue; at Marcos Highway.

Bukod naman sa mga naturang light e-vehicles, hindi na rin pahihintulutan na dumaan sa mga naturang lansangan ang mga tricycle, pedicab, pushcarts at mga kuliglig.

Nagbabala naman ang MMDA na ang mga lalabag sa ban ay papatawan ng multang P2,500.

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with