^

Police Metro

Lalaki na gumagawa ng pekeng driver’s license inaresto

Angie dela Cruz - Pang-masa
Lalaki na gumagawa ng pekeng driver’s license inaresto
A rendition of a driver's license (Land Transportation Office/Released)

MANILA, Philippines — Inaresto nang magkasanib na tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang lalaking gumagawa ng pekeng driver’s license sa isang operasyon sa Maynila, kamakalawa.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang suspek na si Jeric Baluyot ay naaresto sa loob ng kanyang bahay sa Adelina St., Brgy. 467, Zone 46, sa Maynila nang mga pulis at LTO personnel.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo tungkol sa paglaganap ng mga pekeng driver’s license na ginagawa umano ng isang Ric.

Nakumpiska kay Balu­yot ang pekeng driver’s license at pekeng LTO’s Official Receipt para sa motor vehicle registration, smartphone at iba pang kagamitan na ginagamit sa kanyang iligal na aktibidad.

Inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 4136, o Land Transportation and Traffic Code laban sa suspek.

DRIVER LICENSE

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with