^

Police Metro

P15 minimum fare sa jeep muling hinirit ng transport group

Angie dela Cruz - Pang-masa
P15 minimum fare sa jeep muling hinirit ng transport group
A collector receives fare from passengers at the Tandang Sora public utility jeepney terminal in Quezon City September 13, 2023
STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Igigiit ng isang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ilabas na ang desisyon nito sa petisyon na pataasin ang minimum fare sa mga traditional jeepneys sa P15. Ang kasalukuyang minimum fare sa mga traditional jeepney ay P13.

Ayon sa Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), ito ay dahil sa mga nakalipas na big-time oil price hike sa mga produktong petrolyo.

Sinabi ni ALTODAP president Boy Vargas na sinabihan na sila ng LTFRB na ‘subject for resolution’ na ang petisyon ngunit wala pa ring inilalabas na desisyon ang ahensya.

Nangako naman si LTFRB spokesperson Celine Pialago na tutugon ito sa mga petisyon at ipinuntong ang lahat ng mga ito ay dumadaan sa masusing pag-aaral.

“Lahat po ng fare hike, lagi pong pinapaa­lala ng LTFRB, na pinag-aaralan ito at sinusuri ng board. Makakaasa sila na makakatugon po dito ang LTFRB pero dadaan po ito ng napakamasusing pag-aaral at approval,” sinabi ni Pialago.

Una ng sinabi ng LTFRB na nag-aantay pa ito ng tugon mula sa DOTr kaugnay sa P1.6 billion na pondo para sa ipapamaha­ging subsidiya para sa sektor ng pampublikong transportasyon sa gitna ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Kamakailan ay nagtaas ang mga kompanya ng la­ngis ng P1.10/liter sa presyo ng gasolina, P1.55/liter sa diesel, at P1.40/liter sa kerosene.

FARE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with