^

Police Metro

Ex-bf inaresto sa ‘sextortion’ sa guro

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang ina­resto sa bus terminal sa Quezon City matapos ireklamo ng pananakot at pangingikil sa dating nobya na isang guro sa Camarines Sur. 

Ayon kay PCpt. Angelo Babagay, team leader ng Camarines Norte Regional Anti-Cybercrime Unit, napilitang lumuwas sa Metro Manila ang  biktima, 25-anyos  upang  ipakulong ang kanyang da­ting kasintahan na nanakot  na ikakalat ang kanyang maseselang larawan at video  kung hindi magbibigay ng pera.

Nasakote ng mga otoridad ang 29-anyos na suspek sa isang bus station sa Quezon City kung saan napagkasunduan na susunduin ang biktima.

Sinabi ni  Babagay,  na Mahal na Araw pa nila ina­abangan ang  suspek, suba­lit hindi ito umuwi kaya hiniling nito sa biktima na magkita sila sa  Maynila at maibigay ang  pera.

Nagtatrabaho sa Maynila ang suspek at nagkasundo sila ng biktima na mag-uusap at magsasama uli sa Maynila.

Ngunit pagdating sa bus station sa QC, agad na dinamba ng mga  pulis ang suspek.

Patung-patong na rek­lamo ang kinakaharap ng suspek kabilang ang paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2022, Cybercrime Prevention Act of 2012, Grave Coercion, at Anti-Photo and Video Voyeu­rism Act of 2009.

Nagpaalala ang pulisya sa mga may karelasyon na iwasan na magpakuha ng  video o larawan upang hindi malagay sa mga sitwasyong tulad nito.

SEXTORTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with