^

Police Metro

Presyo ng manok at baboy, sumirit

Angie dela Cruz - Pang-masa
Presyo ng manok at baboy, sumirit
Customers visit the Paco Market in Manila to check on the goods that are put up for sale on April 6, 2024.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Sumirit ang presyo ng kada kilo ng manok at baboy sa ilang pamilihan sa Quezon City partikular sa Nepa QMart.

Ito ay makaraang madag­dagan ng P10 ang kada kilo ng manok na nasa P190, mula sa dating P180 per kilo.

Tumaas din ang pre­s­yo ng kada kilo ng karne ng baboy na nasa  P260 mula sa dating P240 hanggang P250 kada kilo.

Ang liempo naman ay nasa P300 per kilo; butu-buto na nasa P150 hanggang P200 kada kilo; pata o paa ng baboy na nasa P160 hanggang P170 per kilo; at ribs na nasa P235 kada kilo.

Tumaas din ang per kilo ng giniling na mula sa dating P260, ngayon ay nasa P280 na ang kada kilo.

Sa pahayag ng mga meat vendor, tumaas ang presyuhan sa kada kilo ng manok at baboy dahil sa dagdag bayad nila sa mga traders at suppliers ng baboy at manok bunsod parin ng El Niño phenomenon at malakihang singil sa presyo ng produktong petrolyo.

KARNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with