^

Police Metro

Walang Pinoy na nasaktan sa 7.5M lindol sa Taiwan - DMW

Mer Layson - Pang-masa
Walang Pinoy na nasaktan sa 7.5M lindol sa Taiwan - DMW
This handout from Taiwan's National Fire Agency taken and released on April 3, 2024 shows members of a rescue team searching for survivors in a damaged building in Hualien, after a major earthquake hit Taiwan's east. At least seven people were killed and more than 700 injured on April 3 by a powerful earthquake in Taiwan that damaged dozens of buildings and prompted tsunami warnings that extended to Japan and the Philippines before being lifted.
Photo by Handout / Taiwan's National Fire Agency / AFP

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Migrant Wor­kers (DMW) na wala pa umanong naiuulat na Pinoy na nasaktan o nasawi sa 7.5 magnitude na lindol na yumanig sa bansang Taiwan kahapon ng umaga.

Sa kabila nito, tiniyak ng DMW na patuloy nilang minu-monitor ang sitwasyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan.

Kaagad rin umanong in-activate ng tatlong Migrant Workers Offices (MWOs) ng DMW sa Taiwan ang protocols sa mga Filipino communities, leaders, mga kaukulang Taiwan government agencies, gayundin ang mga emplo­yers at trade associations upang tiyakin ang kaligtasan at kalagayan ng mga OFWs na nakabase sa nasabing bansa.

Siniguro rin ng DMW na handa ang Taiwan MWOs na magkaloob ng agarang tulong sa mga apektadong OFWs kung kinakailangan.

vuukle comment

EARTHQUAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with