^

Police Metro

2 miyembro ng CPP-NPA na kolektor ng revolutionary funds, kinasuhan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Communist Party of the Philippines - New People’s Army (CPP-NPA) ang sinampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) bunsod ng umano’y pangongolekta ng revolutionary funds at pagpi-finance ng terorismo.

Ayon sa DOJ, nakakita sila ng matibay na ebidensiya para sampahan ng mga kasong paglabag sa Section 8 ng Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 sa Batangas City Regional Trial Court (RTC) sina Leo­nor Taguinod Dumlao at Valentine Cruz Tolentino.

Ito ay base na rin sa preliminary investigation na isinagawa nila sa reklamong inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa mga akusado.

Anang DOJ, nakatanggap ang mga pulis ng impormasyon na ang dalawang akusado ay nag-iingat ng mga baril at wala nang definite na source of income o layunin.

Kaagad din umano nilang isinailalim ang mga ito sa background check at nang makumpirma ang impormasyon, kumuha ng search warrant ang mga otoridad mula sa hukuman sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Kaagad namang ina­resto ang mga ito matapos marekober mula sa kanilang pag-iingat ang mga baril, bala, improvised explosive devices (IEDs), IED components, at malaking halaga ng pera.

Sinabi pa ng DOJ na base sa nakalap nilang impormasyon, ang mga akusado ay miyembro umano ng National Finance Commission ng CPP-NPA at siya umanong nango­ngolekta ng pera mula sa mga pribadong kum­panya at mga negosyante.

CPP-NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with