^

Police Metro

Vlogger Maharlika kinasuhan ng international fashion designer

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kaso ni international fashion designer Rodolfo “Puey” Quiñones, Jr. ang vlogger/blogger na si Maharlika ng Boldyak TV, YouTube channel, dahil sa pani­nirang puri at paglathala ng vlogs na naglalaman ng malisyosong akusasyon laban sa kanya at sa kanyang negosyo.

Isinampa ni Quiñones, naninirahan sa Los Angeles, California, ang kasong defamation laban kay YouTuber Maharlika, Claire Contreras sa tunay na buhay, sa Superior Court of the State of California sa Los Angeles noong Marso 1, 2024.

Ayon kay Quiñones, walang katotohanan ang akusasyon ni Maharlika na “peke, hindi kanya ang mga obrang likha niya at niloloko nito si Unang Ginang Marie Louise “Liza” Araneta Marcos at sambayanang Filipino.”

“These accusations have greatly impacted me, my business, my reputation, and my life,” pahayag ni Quiñones sa online press conference mula sa Los Angeles.

Sa naturang press conference, sinabi ni Quiñones na pinadalhan ng kanyang mga abogado si Ms. Contreras ng cease and desist letter para tanggalin nito ang kanyang video at bawiin ang kanyang maling pahayag subalit tinanggihan ang kanilang kahilingan kahit wala naman itong alam sa kanyang propesyonal na kaugnayan sa Unang Ginang.

Inatasan umano ng isa sa abogado ni Quiñones na si  Payam Tavakoli na nakabase rin sa Los Angeles, na itigil na nito ang kanyang mga mapanirang pahayag ukol sa fashion designer, sa kanyang kompanya, pagkatao at reputasyon.

Nabatid na si Quiñones ang nagmamay-ari ng CocoMelody and Quiñones Couture. Pinadalhan din umano nila ng sulat si Contreras para itama ang kanyang mga mali at malis­yosong pahayag at mga video.

Makailang ulit umanong pinakiusapan ni Tavakoli si Contreras na bigyan sila ng “written assurance” na ititigil na nito ang paninira laban kay Mr. Quiñones, sa kanyang pagkatao at reputasyon.

Sinabi pa ni Tavakoli na humihingi sila ng danyos na aabot sa US$ 2 milyon, iba pang danyos batay sa takbo ng paglilitis at iba pang nararapat na court reliefs. Nagsampa na rin si Quiñones ng hiwalay na kasong cyber libel sa Pilipinas.

KASO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with