^

Police Metro

63 Pinoy sa Haiti, pauuwiin na sa Pinas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na karahasan sa caribbean country ay inaasahang pauuwiin ang 63 Pinoy mula sa Haiti.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na kasado ang repatriation matapos aprubahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang rekomendasyon sa deklarasyon ng Alert level 3 o voluntary repatriation para sa mga Filipino sa Haiti na nasa 115 ang bilang.

Tinitingnan ng DMW ang mga opsyon kung paano isasagawa ang pagpapauwi sa 63 Pinoy dahil walang mga flight sa Haiti at naantala rin ang land travel sa kabisera ng Port-Au-Prince dahil sa kaguluhan.

Sa ngayon, sinabi ni Cacdac na wala pang iniuulat na Filipino na apektado o sugatan sa nagpapatuloy na security crisis.

Idinagdag pa ng opisyal na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang kaukulang government agencies kina Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez, Honorary Consul General Fitzge­rald Oliver James Brandt, at Filipino community leader Bernadette Villagracia kaugnay sa posibleng repatriation ng mga Filipino sa Haiti.

HAITI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with