^

Police Metro

Halos 5K gun-related incidents naitala noong 2023 - PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Philippine National Police (PNP) na nasa kabuuang 4,956 insidente ng gun-related violence ang naitala sa bansa noong 2023.

“Ang mga nature po ng mga incidents na ‘yan ay majority po diyan ay shooting incidents, alarm and scandals, grave threat, at robbery po,” sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa press briefing.

Sa kasalukuyan ay 3,792 kaso na may kinalaman sa gun violence ang inihain sa mga korte at 1,136 ang ini-refer sa mga prosecutor’s office.

Kamakailan ay pinayagan ng PNP ang mga sibilyan na magkaroon ng semi-automatic high powered firearms matapos na amyendahan nito ang implementing rules and regulations (IRR) ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa naturang amyenda, maaari nang magkaroon ng maliit na armas na 7.62 mm at pababa ang isang pribadong mamamayan.

FIREARMS

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with