^

Police Metro

ACT-Agri Kaagapay, kinilala ang malaking papel sa lipunan ng mga kababaihan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinilala ng ACT-Agri Kaagapay ang malaking papel at kontribusyon sa ating lipunan ng mga kababaihan.

Ayon sa Pangulo ng ACT-Agri Kaagapay na si Ms.Virginia Rodriguez, hindi madaling gawin ang mga bagay at magandang pangarap sa buhay ng isang magulang sa kanyang mga anak at pamilya.

Si Ms. Rodriguez ay maagang naulila sa asawa kaya mag-isa nitong kinaya na itinaguyod ang kanyang pamilya, buhayin at papag-aralin sa magandang paaralan ang kanyang mga anak. Bukod sa obligasyon sa pamilya sa kabila ng kanyang pagiging solo parent ay tumutulong pa sa mga less fortunate na kababayan.

Bilang isang babae, ay taas noo na nagbibigay ng pagkilala si Ms. Rodriguez sa mga kababaihan na patuloy na nagtataguyod ng kaayusan ng buhay pam-pamilya, at lipunan saan man panig ng mundo bilang kabahagi ng tunay na pagbabago.

Ngayong buwan ng Marso ay kinikilala ang kontribusyon ng mga kababaihan kaya saludo si Ms. Rodriguez sa mga katulad niyang babae na nagsusulong na magkaroon ng maayos na buhay ang bawat Pilipino.

Naniniwala si Ms. Rodriguez, sa tulong, gabay, biyaya at awa ng Dakilang Lumikha ay maipagpapatuloy niya ang kanyang misyon na makagawa ng makabuluhang bagay na mag-aangat ng buhay ng bawat Pilipino lalo na ang mga magsasaka na siyang nagpapagod para magkaroon ng sapat na pagkain.

Bumabati ng happy women’s month si Ms. Rodriguez sa lahat ng kababaihan na itinataguyod ang kinabukasan ng kanilang mga anak sa kabila ng maraming pagsubok na dumarating sa buhay nila bilang isang babae.

vuukle comment

KONTRIBUSYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with