^

Police Metro

LRT-1 Cavite Extension Phase 1, 97% complete na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa huling bahagi ng taong 2024 ay target ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na mabuksan na sa publiko ang Phase 1 ng Cavite Extension ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ayon sa LRMC, na siyang private operator ng LRT-1, nasa 97 porsiyento nang kumpleto ang konstruksiyon nito.

Ipinaliwanag ng LRMC na ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 ay magpapalawak sa kasalukuyang linya ng LRT line ng 6.2 kilometro na magkokonekta sa Bac­laran Station sa Pasay City at sa Dr. Santos Station sa Parañaque City.

Sa sandali umanong maging fully operatio­nal, kayang magsakay ng hanggang 600,000 pasahero kada araw.

Kabilang sa mga bagong istasyon ng Cavi­te extension Phase 1 na malapit nang makumpleto ay ang Redemptorist Station (93.3% nang kumpleto); MIA Station (93.5%); Asia World Station (83%); Ninoy Aquino Station (88%) at Dr. Santos Station (94.1%) na may habang 11.7 kilo­metro at tatakbo mula Baclaran hanggang sa Niog sa Bacoor, Cavite.

Upang matiyak na maayos ang takbo ng lahat, sisimulan na rin umano ng LRMC ang mga test runs ng iba’t ibang tren ng LRT-1 sa extension line.

Sa tulong umano nito, ang travel time mula sa Maynila hanggang Cavite ay magiging 25 minuto na lamang, mula sa dating isang oras at 10-minuto.

CAVITE EXTENSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with