^

Police Metro

‘Aleng Pulis’ sa mga police station madadagdagan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na asahan  nang mas dadami pa ang mga babaeng pulis na makikita sa iba’t ibang proyekto ng Philippine National Police (PNP) gayundin sa  mga police stations.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng National  Women’s Month, pag­lulunsad din ng Project ­Aleng Pulis Everywhere na malayong tumugon sa mga pangangailangan ng  publiko anumang oras at panahon.

Ang mga “Aleng Pulis” ang naatasang duminig at umaksyon sa mga sumbong partikular na sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga babae at bata sa pamamagitan ng Women and Children’s Protection Desk sa mga istasyon ng pulisya sa bansa.

Binigyan diin naman ni PNP Public  Information Office chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo na nais iparamdam ng  PNP na bawat  sulok ng  bansa ay may malalapitang babaeng pulis.

Sa ngayon, nasa 30 porsiyento ng 232,000 pulis ay mga babae.

JR.

BENJAMIN ACORDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with