Pest control ng naia ipinatawag ng MIAA
Sa isyu ng ipis, surot at daga
MANILA, Philippines — Ipinatawag ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang housekeeping, exterminators at iba pang service provider ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para pulungin ngayong araw kasunod ng mga nakitang peste sa paliparan.
Sa pinakahuling viral video,nakita ang ipis na gumagapang sa isa sa mga upuan sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Aminado ang MIAA na hindi katanggap-tanggap ang ganitong mga insidente.
Maliban sa disinfection, ipinatawag na rin ng pamunuan ang housekeeping at pest control service providers ng paliparan para suriin ang kani-kanilang mga kontrata.
“Kung ano pa mang peste yan— ipis, surot, rodent, anay, ang expectation siyempre, ng airport, inengage namin ang services nila as experts on that field of extermination, then we should have an expectation na wala pong ganitong mga pest or rodents sa ating airport,” ani MIAA Head Executive Assistant Chris Bendijo.
“Kung halimbawa nga ay galing sa ibang bansa ang mga bugs na ito, what process can we put in place para maiwasan yung mga ganito? We will explore that,” dagdag pa niya Bendijo.
- Latest