^

Police Metro

Badoy hinatulang guilty sa indirect contempt

Mer Layson - Pang-masa
Badoy hinatulang guilty sa indirect contempt
Bilang parusa, si Badoy ay inatasan ng Mataas na Hukuman na magmulta ng P30,000, na may kasamang babala na mahaharap siya sa mas mabigat na parusa kung uulitin pa ang kanyang ginawa.
File

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty sa kasong indirect contempt ng Supreme Court si da­ting National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) Spokesperson Lorraine Marie Badoy matapos na umano’y i-red tag ang isang hukom at pagbantaang bobombahin ang mga tanggapan ng mga mahistrado noong 2022.

Bilang parusa, si Badoy ay inatasan ng Mataas na Hukuman na magmulta ng P30,000, na may kasamang babala na mahaharap siya sa mas mabigat na parusa kung uulitin pa ang kanyang ginawa.

“For her vitriolic statements and outright threats against Judge Magdoza-Malagar and the Judiciary, respondent is found guilty of indirect contempt,” anang SC en banc sa 52-pahinang desisyon nito, na iniakda ni Senior Associate Justice Marvic Leonen.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ni Manila RTC Br 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar laban kay Badoy.

Bunga ito ng post sa FB Account ni Badoy kung saan ininsulto niya ang hukom at pinagbantaan pa.

Ito ay matapos na ibasura ng hukom ang petisyon ng DND para ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA sa ilalim ng Human Security Act.

Bukod sa pagkastigo at multa, mariing bina­laan ng Korte Suprema si Badoy na mahaharap sa mas mabigat na parusa kung uulitin ang ginawa nito o muling masasangkot sa kahalintulad na aktibidad.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Badoy na ginagamit lamang niya ang kanyang freedom of expression ngunit binigyang-diin ng mataas na hukuman na ang freedom of speech ay hindi dapat na ipag­kamali sa pag-abuso ng naturang kalayaan dahil ang kanyang mga pahayag ay lampas na sa objective criticism.

LORRAINE MARIE BADOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with