^

Police Metro

Pagdukot sa kapatid ng isang aktibista sa Batangas, itinanggi ng PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang akusasyon  na sila ang nasa likod ng pagdukot kay Jose Marie Estiller, ang nakatatandang kapatid ng dating political prisoner at AMIHAN activist na si Jean Estiller.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., wala naman silang  natatanggap na impormasyon hinggil dito.

Ani Acorda, handa naman silang aksiyunan at tulungan ang pamilya ni Estiller.

Sinabi ni Acorda, hindi dapat mag-alinlangan ang pamilya Estiller na humingi ng tulong sa kapulisan  may sapat na impormasyon sa insidente.

Sa CCTV footage na lumabas online, makikitang dinukot ang biktima habang papasok ng kanyang tahanan kung saan 5 armadong lalake ang kumuha rito.

Una nang naglabas ng pahayag ang League of Filipino Students (LFS) kung saan kanilang kinokondena ang pagdukot kay Estiller na nangyari broaddaylight at sa isang subdivision.

ABDUCTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with