^

Police Metro

E-bikes, e-trikes, scooter at kuliglig, bawal na sa mga national road

Ludy Bermudo - Pang-masa
E-bikes, e-trikes, scooter at kuliglig, bawal na sa mga national road
Electric bikes or e-bikes traverse the United Nations Avenue in Manila on January 24, 2024.
STAR/ Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Ipapatupad na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagbawal sa paggamit ng mga e-vehicles sa mga national road.

Ito ang inanunsyo kahapon ni MMDA chairman Romando Artes matapos na ipasa ang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC).

 “Ngayon pong uma­gang ito ay nagpasa ang MMC ng resolusyon regarding regulation ng e-trikes at other electric vehicles na pinagbabawal na po natin sa major roads na nasa jurisdiction ng MMDA,” ani Artes na nanguna sa pulong na idinaos sa MMDA Building, sa Pasig City.

Papatawan ng P2,500 na multa ang lalabag sa nasabing regulasyon.

Oobligahin na rin ang paggamit ng e-vehicles na magkaroon ng driver’s license, at kung walang maipakitang lisensya ang nagmaneho ng e-vehicles ay i-impound agad ito.

Inaasahan namang sa Abril pa maipatutupad ito dahil kailangan pang dumaan sa proseso at awareness campaign tulad ng publication, na kailangang may 15 araw matapos ito bago ipatupad.

May karagdagan pang mga daanan na tutukuyin ang mga lokal na pamahalaan kung saan ipagbabawal ang mga e-vehicle, bukod sa inisyal na listahan ng mga kalyeng apektado.

Kabilang sa mga kal­yeng inisyal na nabanggit ang Recto Avenue; President Quirino Ave­nue; Araneta Avenue; Epifanio Delos Santos Avenue; Katipunan/CP Garcia;  Southeast Metro Manila Expressway;  Ro­xas Boulevard; Taft Avenue;  SLEX; Shaw Boulevard;  Ortigas Avenue; Magsaysay Blvd./Aurora Blvd.; Quezon Avenue/Commonwealth Ave.;  A.Bonifacio Ave; Rizal Ave; Del Pan/Marcos Highway/Mc-Arthur Highway; Elliptical Road; Mindanao Avenue; at Marcos Highway.

METRO MANILA COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with