^

Police Metro

Police major na pangunahing suspek sa Camilon case, ‘no show’ sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa
Police major na pangunahing suspek sa Camilon case, ‘no show’ sa Senado
Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon in this photo on her Instagram on Oct. 1, 2023
Instagram / catherine_camilon

MANILA, Philippines — Hindi dumalo sa pagdinig sa Senado ang police major na pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Sa liham na ipinadala sa joint hearing ng Senate Committee on Public Order at Senate Committee on Justice and Human Rights, humingi ng paumanhin at idinahilan ni Major Allan de Castro na hindi niya maiwanan ang kanyang walong buwang buntis na asawa na may iniindang sakit sa katawan.

“My wife is 8 months pregnant and is currently having immense pains. I am personally attending to her and our inco­ming child as I am of the impression that there is a great risk on both my wife and my child who is still in her womb,” sabi sa liham ni De Castro.

Nangako naman si De Castro na dadalo siya sa susunod na pagdinig sa oras maayos na ang kalusugan ng kanyang asawa at ligtas na sa anumang panganib. Ipinadala din niya pruweba ng medical condition ng kanyang asawa.

Si De Castro, ang kanyang driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay, at dalawang iba pa, ay kina­suhan ng kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ni Camilon noong Oktubre 12 sa Lemery, Batangas. -

CATHERINE CAMILON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with