2 estudyante nalunod sa Rizal
MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang estudyante nang malunod sa magkahiwalay na insidente sa Rizal, kamakalawa.
Sa ulat ng Rizal Provincial Police Office (RPPO), kinilala ang mga nasawi na sina Reyna Daplas, 10, Grade 2 student, ng Rodriguez, Rizal; at Edgardo Nuñez, 17, Grade 10 student, residente ng Quezon City.
Sa report ng Rodriguez police station, bago naganap ang pagkalunod, alas-2:30 kay Daplas sa Spillway ng Brgy. San Rafael, sa Rodriguez ay kasalukuyan umanong naliligo ito nang mapansin ng ina na nawawala na.
Kaagad umano nilang hinanap ang bata ngunit patay na ito nang kanilang matagpuan.
Sa ulat naman ng San Mateo Municipal Police Station, alas-11:00 ng umaga nang malunod si Nuñez sa Malaegno River, sa Brgy. Silangan, San Mateo.
Nagkayayaan lamang umano ang biktima at mga kaibigan na maligo sa ilog ngunit sinawimpalad na matangay ng malakas na agos ng ilog ang biktima hanggang sa malunod.
- Latest