Ismagel na sibuyas, ibinebentang mura sa online
MANILA, Philippines — Dapat umanong tulungan ng gobyerno ang mga lokal na magsasaka upang mapababa ang presyo ng sibuyas at hindi na umasa ang mga mamimili sa mga online seller na smuggled ang itinitinda.
Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee, ang itinitindang P25 kada kilong sibuyas online ay isa sa mga dahilan kung bakit bumabagsak ang farm gate price ng lokal na sibuyas.
Ayon kay Lee, kailangang mapababa ang production cost at magkaroon ng maaasahang access sa merkado at mamimili ang mga lokal na magsasaka upang kayanin nilang ibenta sa mababang halaga ang kanilang ani.
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) ang kasalukuyang farm gate price ay P28 lamang pero ang production cost ng mga magsasaka ay umaabot ng P30 kada kilo.
Nanawagan din si Lee sa Bureau of Plant Industry (BPI) na umisip ng paraan upang matiyak na ligtas ang mga sibuyas na ibinebenta online.
- Latest