^

Police Metro

‘eTravel’ ginagamit ng scammers sa panloloko – BI

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa bagong modus ng mga scammers na naniningil ng bayad para sa pagpaparehistro sa “electronic travel declaration system (eTravel)” ng ahensya.

Pinaalala ni Tansingco na libre ang pagpaparehistro sa eTravel at dapat maging maingat ang mga biyahero sa pagbabayad ng mga fees sa mga scammers na gumagamit ng mga pekeng websites.

“The eTravel registration process is absolutely free of charge.  We, therefore, advise the traveling public to register only in the government’s official website at https://etravel.gov.ph.,” ayon kay Tansingco.

Kung may maeengkuwentro na indibidwal na nagpapabayad para sa pagpaparehistro, inabisuhan ng BI ang mga biyahero na iulat ito sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa pamamagitan ng website na https://cicc.gov.ph/report/.

Ang babala ay makaraan ang mga ulat na ilang pasahero sa mga airports ang nagreklamo nang hindi tanggapin ang QR code nila at iginiit na nakapagparehistro na sila sa eTravel platform at nagbayad pa mula P3,000 hanggang P5,000.

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with