^

Police Metro

Solon kina Duterte, Alvarez: Paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas ibaon na sa limot

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mambabatas mula sa Mindanao ang umapela kahapon kina dating Pangulong Rodrigo “Digong “ Duterte at dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot “Alvarez na kalimutan na o tuluyang ibaon na sa limot ang pagsusulong na humiwalay na ang Min­danao sa Pilipinas dahilan sa isa itong mala­king kalokohan at labag sa Saligang Batas.

Ayon kay Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, hindi dapat magpadalus-dalos ang dalawang dating lider sa kanilang mga aksiyon at hakbangin kung saan dapat na pairalin ng mga ito ang patriyotismo sa bansa.

“This attempt to separate Mindanao from the Philippines is not only unconstitutional but also a blatant disrespect to our duly constituted authority. We cannot allow the integrity of our nation to be compromised by such reckless actions,” ani Adiong, miyembro ng House Committees on Mindanao Affairs at Muslim Affairs.

Binigyang diin ni Adiong na hindi niya hahayaan na dumanas muli ng panibagong kaguluhan ang Minda­nao matapos ang ma­tinding trauma sa mga karanasang tumatak sa kasaysayan.

Sinabi ni Adiong na dapat ay irespeto ng da­ting punong ehekutibo at ni Alvarez ang Konstitusyon at demokratikong proseso na siyang humuhubog sa matatag na nasyon.

Sa katunayan, ayon pa kay Adiong ay buo ang representasyon ng rehiyon sa gobyerno dahilan sina Duterte at Alvarez ay pawang taga- Mindanao. Samantalang sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel, dating Senate President.

Gayundin si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ay tubo ring Maguindanao.

RODRIGO “DIGONG “ DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with