^

Police Metro

Misis, pinatay ng mister na pulis!

John Unson - Pang-masa
Misis, pinatay ng mister na pulis!
Sa ulat ng Zamboanga City Police Office, kinilala ang biktima na si Fredellen Ocariza, residente sa nasabing barangay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang misis matapos pagbabarilin ng kanyang sariling mister na pulis sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Zamboanga City Police Office, kinilala ang biktima na si Fredellen Ocariza, residente sa nasabing barangay.

Matapos ang ilang oras nang isagawa ang pagpatay sa sariling asawa, sumuko sa mga awtoridad ang suspek na Police Chief Master Sgt. Julius Santillan Ocariza.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng isang bahay sa Block 3, Armor Village sa Barangay San Jose Gusu na labis na ikinagulat ng mga residenteng nakatira sa lugar.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang kanyang asawa na bumulagta sa lugar.

Madalas diumanong mag-away at saktan ng pulis ang kanyang misis at nitong huli ay nauwi na ito sa malagim na kamatayan ng ginang sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Agad namang tumakas ang suspek subalit kalaunan ay sumuko rin ang suspek  sa Curuan Police Station 2 na sakop ng Zamboanga CPO nang mabatid na nagkasa ng manhunt operation laban sa kanya.

vuukle comment

BULAGTA

POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with