^

Police Metro

Marcos inaprubahan hanggang April 30 ang PUV consolidation

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos inaprubahan hanggang April 30 ang PUV consolidation
A mechanic checks the engine of one of the jeepneys parked at the FTI Terminal in Taguig City yesterday. Transportation Secretary Jaime Bautista has invited public utility vehicle operators to a dialogue to address their concerns and grievances over the PUV modernization program and to forgo their planned weeklong strike.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapalawig sa public uti­lity vehicles (PUVs) consolidation hanggang Abril 30 ng taong kasalukuyan.

Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, inaprubahan ni Pa­ngulong Marcos ang rekomendasyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

Base sa rekomendasyon ni Bautista, pinalawig pa ng hanggang tatlong buwan o hanggang April 30, 2024 ang consolidation ng public utility vehicles.

Sinabi ni Garafil na ang pagpapalawig ay para magbigay oportunidad sa mga nagnanais na makasali sa consolidation at maghayag ng kanilang intensyon na sumali sa modernization program ng gobyerno na hindi nakasali sa nagdaang cut off na Disyembre 31, 2023.

Magugunita na tinutulan ng transport group ang consolidation ng prangkisa dahil hindi raw nila ka­yang bumili ng mga modernong jeep.

PUV MODERNIZATION PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with