Bilang ng Wi-Fi sites sa Pinas, target doblehin
MANILA, Philippines — “Doblehin ang bilang ng Wi-Fi sites sa bansa ngayong taon sa ilalim ng Broadband ng Masa program”.
Ito ang tinatarget ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. David Almirol Jr.,para suportahan ang implementasyon ng eLGU o Electronic Local Government Unit ng DILG.
Ang eLGU ay isang mobile application na nagsasama-sama ng mga serbisyo ng gobyerno gaya ng business permit licensing, community tax, local civil registry at marami pang iba.
Ayon kay Almirol, kailangan ng connectivity para epektibong maipatupad ang eLGU.
Sabi ng opisyal, nasa 25,000 ang free Wi-Fi sites na naikabit ng DICT hanggang noong katapusan ng 2023.
Layon ng nationwide implementation ng eLGU ang digitalization at streamlining ng mga proseso sa lokal na pamahalaan.
- Latest