^

Police Metro

Kelot inaresto sa ‘sextortion’

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Kelot inaresto sa ‘sextortion’
kahapon. Hindi na nakapalag ang suspek na kinilalang si Vicente Nunez, 32, ng Brgy. Kangiras, Hilongos, Leyte nang dakpin ng mga otoridad sa harap ng isang  fastfood chain sa Aurora Blvd., alas-12:00 ng tanghali.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad sa entrapment operation ang isang lalaki  matapos ireklamo ng pangingikil  ng  33-anyos na babae na kanyang  tinakot na ipakakalat ang hubo’t hubad na larawan sa social media sa Que­zon City, kahapon.

Hindi na nakapalag ang suspek na kinilalang si Vicente Nunez, 32, ng Brgy. Kangiras, Hilongos, Leyte nang dakpin ng mga otoridad sa harap ng isang  fastfood chain sa Aurora Blvd., alas-12:00 ng tanghali.

Ayon sa biktima na si alyas “Francis,” nakilala niya ang suspek sa social media nitong December 16 na kung saan kinagabihan ay nagyayang makipagkita at may nangyari sa kanila na hindi niya alam na  kinunan siya ng video ng suspek.

Sa pahayag ng biktima, nagpanggap ang suspek nang gumawa ito ng Facebook account na may pangalang Jemar Nunez at December 17, nagsimula na maghingi ng pera ang suspek kapalit ng hindi pagpapakalat sa maselang video.

Muling humiling ang suspek sa biktima na maki­pagkita sa isang  motel sa Cubao at magbigay ng pera kung ayaw nitong ilabas ang kanyang  mga malalaswang larawan at video.

Nakipagkasundo ang  biktima sa suspek hanggang  sa  kalawitin ng mga otoridad sa harap ng  fastfood chain.

Nahaharap ang biktima sa kasong grave coercion at paglabag sa Republic Act 9995, o ang Anti-Photo and Video Voyeurism.

SEXTORTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with