^

Police Metro

Empleyado ng MMDA naglaro ng baril, utas

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa
Empleyado ng MMDA naglaro ng baril, utas
Sa report ng CALABARZON Police,naganap ang insidente, alas-11:00 ng gabi sa tahanan ng biktima sa Brgy. Patuto Malaki, Tagaytay City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang em­pleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na itinago sa pangalang Alexander, 52, nang aksidenteng pumutok ang baril na kanyang nilalaro, naganap kamakalawa ng gabi sa Tagaytay City, Cavite.

Sa report ng CALABARZON Police,naganap ang insidente, alas-11:00 ng gabi sa tahanan ng biktima sa Brgy. Patuto Malaki, Tagaytay City.

Sa pahayag ng misis ng biktima na itinago sa pangalang Vivian at anak nitong babae na itinago naman sa pangalang Andrea, nasa impluwensiya umano ng alak ang biktima nang mang­yari ang insidente.

Ayon sa ginang, pinaglalaruan umano ng kaniyang asawa ang baril na isang Taurus caliber 9 MM nang aksidente nitong makalabit ang gatilyo.

Isang malakas na putok ang uma­lingawngaw na sumapul sa katawan ng biktima na binawian ng buhay noon din sa insidente.

Ayon sa ginang, hindi umano nagpaawat sa kakulitan ang kaniyang mister nang mangyari ang accidental firing.

vuukle comment

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with