^

Police Metro

‘Feng shui expert’ tiklo: P50 milyong kinulimbat sa mga biktima

Doris Franche-Borja - Pang-masa
‘Feng shui expert’ tiklo: P50 milyong kinulimbat sa mga biktima
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 226, dinakip ang transgender na si Ivan Borromeo Alyas Celine at kilala rin sa pangalang Mark Lester Alvarez na nahaharap sa 2 counts ng kasong Estafa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang lalaking nagpapanggap na Feng shui expert ang ina­resto ng pulisya sa bisa ng warrant of  arrest sa pagtangay nito ng mga pera at alahas sa kanyang mga kustomer na umabot sa P50 milyon.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng  Quezon  City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 226,  dinakip  ang transgender na si Ivan Borromeo Alyas Celine  at kilala rin sa pangalang Mark Lester Alvarez na nahaharap sa  2 counts ng kasong Estafa.

Nabatid kay QCPD Director PBGen. Redrico Maranan na sinalakay ng mga tauhan ng QCPD Special Operations Unit ang  tinutuluyan  ng  suspek sa Unit 902 Fernandina 88 Suite, 801 P.Tuazon St., Brgy Socorro, Cubao, Quezon City.

Modus ni Borromeo na mangpanggap na Feng Shui expert at kung minsan ay mang­huhula at pagpasok sa b­ahay ng kanyang mga mabibiktima ay kukunin ang mga pera at alahas na ilalagay sa  dalang  bag kapag nali­ngat ang binibiktima.

Sinabi naman ni  Borromeo na hula-hula lamang ang kanyang ginagawa  at nais lamang niyang makakuha ng perang pambayad ng utang.

FENG SHUI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with