^

Police Metro

Babae nagpa-stem cell, namatay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Que­zon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) tungkol sa umano’y pagkamatay ng isang  babae na sumailalim sa stem cell sa Quezon City.

Ayon sa report ng QCPD-CIDU, nagpa-stem cell ang  39-anyos na  biktima na mula Valencia, Bukidnon sa isang  klinika na  matatagpuan sa EDSA, Brgy. Philam, Quezon City noong  Martes, Enero 9, ala-1:00 ng tanghali.

Subalit, matapos ang gamutan ay nawalan ng malay ang  biktima at nakaranas ng panginginig kaya’t isinugod ito sa isang  ospital sa  Quezon Ave. para mabigyan ng  agarang lunas.

Subalit, alas-2:34 ng hapon nang ideklara itong patay ng doktor.

Lumilitaw sa  death certificate  na ang  biktima ay namatay dahil sa  “anaphylactic shock (immediate cause), gluthathione and stemcell intravenous infusion (antecedent cause) at chronic kidney disease stage V (Underlying Cause).”

Nagsasagawa pa rin ng  imbestigasyon ang pulisya sa kaso.

BIKTIMA

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with