^

Police Metro

Maharlika Fund makatutulong sa maayos na suplay ng kuryente

Mer Layson - Pang-masa
Maharlika Fund makatutulong sa maayos na suplay ng kuryente
Meralco personnel confiscate illegal wiring connections in Barangay Paradise, Balot, Tondo, Manila on March 11, 20233.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Sa gitna ng nangyaring malawakang power outage sa Western Visayas, nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na makatutulong ang Maharlika Investment Fund (MIF) upang makapagtayo ng mga kinakailangang imprastraktura para matiyak ang maayos na suplay ng kuryente sa bansa.

Kasabay nito, nanawagan ng imbestigasyon si Speaker Romualdez sa naganap na power outage sa Western Visayas na nagsimula noong Enero 2 at nagtagal ng ilang araw upang mahanapan na ito ng solusyon.

“This event has highlighted critical issues in our power infrastructure, impacting numerous businesses, industries, and the daily lives of our citizens,” ani Romualdez.

Iginiit din ni Speaker Romualdez ang sama-samang hakbang ng iba’t ibang ahensya gaya ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission (ERC) upang hindi na maulit ang power outage.

Sinabi ni Romualdez na nararapat lamang na magkaroon ang mga residente ng Western Visayas ng sapat at maaasahang power infrastructure at susuportahan umano niya ang mga hakbang upang makamit ito.

KURYENTE

MAHARLIKA FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with