^

Police Metro

5 sugatan sa pag-iwas ng bus sa police car sa EDSA busway

Danilo Garcia - Pang-masa
5 sugatan sa pag-iwas ng bus sa police car sa EDSA busway
Pinaalalahanan ng DOTr ang mga moto­rista na may otorisadong sasakyan na gamitin ang EDSA busway na mag-ingat at unahin ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Limang pasahero ang nasugatan nang bumang­ga ang isang bus sa rehas matapos nitong iwasan ang sasakyan ng pulis na papasok sa EDSA busway nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na ang mga nasugatang pasahero ay dinala sa Labor Hospital dahil sa mga tinamong gasgas at bukol.

Base sa CCTV foo­tage, nakitang binagtas ng bus ang EDSA busway nang biglang may sumulpot na sasakyan ng pulis na pumasok sa busway at muntik nang mabangga ang bus.

Iniwasan ng bus ang sasakyan ng pulis at tumama sa bakod ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Santolan Station southbound.

Pinaalalahanan ng DOTr ang mga moto­rista na may otorisadong sasakyan na gamitin ang EDSA busway na mag-ingat at unahin ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

vuukle comment

EDSA BUSWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with