^

Police Metro

‘Pastor’ pumatay ng batang babae dahil sa lansones

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang nagpakilalang pastor ang pinaghahanap ng mga otoridad matapos ang ginawang karumal­dumal na pagpatay sa isang 7-anyos na batang babae dahil lamang sa puno ng lansones, iniulat Sabado sa Digkilaan, Iligan City.

Kinilala ang suspek na si Alcomendeda Colaljo, habang hawak naman ng pulisya ang menor-de-edad na lalaki na umamin kasabwat ni Colaljo sa krimen.

Hustisya ang sigaw ng mga magulang ng biktimang si Marian Superales, grade 1 pupil ng San Benito S. Ong Memorial School at residente ng Purok 7 Malaigang, Digkilaan, Iligan City.

Sa report ng Digkilaan Police Station 6, umamin sa kanila ang menor-de -edad na lalaki na kasabwat siya sa pagpatay kay Superales matapos nilang pagtulungan pagtatagain, ginilitan at binagsakan ng malaking bato sa mukha.

Sinabi ng suspek na itinago sa pangalang Totoy, nagalit si Colaljo sa biktima dahil pinakialaman nito ang puno ng lansones.

Huling namataan ang suspek sa Bukidnon at nagpapakilala na isa itong pastor.

vuukle comment

ILIGAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with