^

Police Metro

Math at Science High School kada probinsya, itinutulak

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang matulungan ang pag-angat ng performance ng mga mag-aaral ng bansa sa mathematical at scientific literacy, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng pampublikong math at science high school sa lahat ng mga probinsya sa bansa matapos lumabas ang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA).

Sa ilalim ng panukalang Equitable Access to Math and Science Act (Senate Bill No. 476), ipatatayo ang isang pampublikong math at science high school sa mga probinsyang wala pa nito sa ilalim ng paggabay ng Department of Education (DepEd) at Department of Science and Technology (DOST).

Lumabas sa resulta ng pinakahu­ling PISA na pang-76 sa 81 na bansa ang Pilipinas pagdating sa Mathema­tics. Bagama’t 472 ang average na markang naitala sa Mathematics sa mga bansang kasapi ng Organisation for Economic Co-Operation and Development (OECD), umabot lamang sa 355 ang markang naabot ng Pilipinas.

Pagdating sa Science, pang-79 sa 81 na bansa ang Pilipinas. Bagama’t umabot sa 485 ang average sa mga bansang kasapi sa OECD pagdating sa Science, umabot lamang sa 356 ang average na naitala sa Pilipinas.

Pagdating sa Mathematics, 84% ng mga mag-aaral na 15-taong gulang ang maituturing na may below minimum proficiency. Pagdating sa Science, 77% ng mga mag-aaral ang nasa below minimum proficiency.

Nababahala si Gatchalian na kung mananatiling mababa ang proficiency level ng mga mag-aaral na Pilipino pagdating sa scientific at mathematical literacy, hindi magkakaroon ang bansa ng sapat at magagaling na scientists, mathematicians, engineers, at iba pang propesyonal na may mahalagang papel sa pag-unlad ng bansa. 

vuukle comment

PISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with