^

Police Metro

Lola na magsisimba nasalpok ng kotse, patay

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Lola na magsisimba nasalpok ng kotse, patay
Nadala pa sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang si Erlinda Blanza Bejo, subalit makalipas ang dalawang oras, ay binawian din ng buhay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 76-anyos na lola ang nasawi nang masalpok ng isang kotse habang papatawid kahapon ng umaga sa Katipunan Ave. Quezon City.

Nadala pa sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang si Erlinda Blanza Bejo, subalit makalipas ang dalawang oras, ay binawian din ng buhay.

Nasa kustodiya naman ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3 ang suspek na si Wilfrido Osca Uy Miranda, 22. driver ng Suzuki Jeep na may plakang PCC310.

Sa imbestigasyon ni PCpl Jomar B Apongao, ng QCPD Traffic Sector 3, nangyari ang aksidente dakong alas -5:30 ng umaga sa panulukan ng Katipunan Avenue at Escopa II, Libis St., Brgy. Escopa II.

Lumilitaw na binabaybay ng driver ang kahabaan ng Katipunan Avenue (northbound) galing sa direksyon ng Col. Boni Serrano Ave. at patungo sa Aurora Boulevard nang hindi na ito nakaiwas at nasalpok ang biktima.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang biktima at agad na dinala sa ospital ng driver.

Nabatid na magsisimba sana ang biktima nang mangyari ang aksidente.Ang driver ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.

vuukle comment

DEAD

LOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with